United States or Bermuda ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang mahometismo n~g m~ga taga Hulo't taga Mindanaw ay di lubhang cagaya n~g tunay na mahometismo, dahil sa ang lahat n~g religion habang tumatagal ay nababago n~g nababago.
At cung bagama't nalimutan na ang canilang pinaca-Bathala ó pinaca-Laon ay sanhi marahil sa pagcahicayat nila sa Mahometismo ó pananalig kay Mahoma na taglay n~g m~ga huling nacapamayan nila. Ang m~ga sumunod ó huling namayan sa Hulo't Mindanaw ay ang nan~gabangit nang casabay ó casunod n~g m~ga namayan sa Borneo noong dacong 1400.
Gayon, ma'y inaasahan co, na sapagca't siyang religion n~g isang bahagi n~g Pilipinas ay maitatanong din m~ga magiliwin sa ganitong casaysayan, «cung ano ang religiong mahometismo» At ang religion mahometismo ay ang itinanyag ni Mahoma na anya'y wala liban sa isang Dios at siya ang profeta n~g Dios at tuloy sinulat niya ang koran na n~gayon'y siyang pinaka Biblia n~g m~ga moro.