United States or Chile ? Vote for the TOP Country of the Week !
8. =Anong katan~gian, bukod sa kanyang hanap-buhay, ang tinataglay ni Bonifacio?= Siya'y mahiliging magsulat sa sariling wika at may magandang ayos ang kanyang sulat. Dahil dito, nakatutulong sa kabuhayan nilang magkakapatid ang paggawa n~g m~ga tatak at paunawa sa m~ga kayong ipinagbibili rito sa atin. 9. =Siya ba'y mahiligin sa pagbabasa n~g m~ga aklat?= Oo.
N~guni't ang kaniyang kinahihimalin~gang basahin ay yaong m~ga aklat na nakapagtuturo n~g kabayanihan, tulad n~g Kasaysayan n~g himagsikan sa Pransiya, "Las Ruinas de Palmira," "Los Miserables," ni Victor Hugo, "El Judio Errante," Biblia, ang m~ga, aklat ni Rizal at ibá pa. Siya'y mahiliging totoo sa pagbabasa. May m~ga gabing halos di nakakatulog sa pagbabasá. 10. =Siya ba'y nagkaasawa?= Oo.