United States or Costa Rica ? Vote for the TOP Country of the Week !
Kung sa pag basa mo'y may mapansing hindí tama ang sabi ko't sa isip mo'y malí, huag hahatulan n~g sirá't ang hin~gi sa pagtutulin mo ay magwari-wari. Sapagka't kung kaya gumugol n~g pagál ang malampang isip kahit gumagapang, adhika n~g puso'y maguing munting tuláy sa tawiring hirap niyaring abang búhay.
Magwari-wari ka't tin~galin n~g isip ang pagkalarawan n~g santong matuid, na ang lumalabag sa dunong n~g Lan~git ay walang wala nang aantaing bihis. Pawi ang lumbay mo at ipaubaya sa Dios na Amá ang boong bahala, walang mangyayari sa tahanang lupa na hindí sa dunong niya nagmumula.
Salita Ng Araw