United States or Norfolk Island ? Vote for the TOP Country of the Week !


Bulaang makata ang hindi sa iyo'y mahibang na kusa, bulaang damdamin ang di magtiwala sa ganda mong iyan, n~g lahat n~g nasa. Yamang ginulo mo ang aking isipan at naging n~giti ka sa aking kundiman, bayaan mo n~gayong sa iyo'y ialay ang buong palad kong tan~ging iyo lamang.

Ahá nahuli din kita, ikaw palá ay nagkukurakurahan pa, ang pasigaw na lantak ni Giday Lasenga; at sinabayan n~g píral sa tain~ga, samantalang dinadaklot ni Giday ang pin~gol n~g tain~ga ni Kadiliman sinabayan n~g salitang: isaulî mo ang iniambag ko pagka't kundi ipagsusuplong ko sa may kapangyarihan ang asal mong iyan; dahil na si Agong Kadiliman, ay isang taong sadyang may ugalî noon pang hindi nagkakaramdam na manghin~ n~g contribución, sa kanyang m~ga kasamahan at sinasangkalang laguî sa nais niyang ito, ang n~galang n~g Kapisanan; kaya't dinagdagan ni Giday n~g sabing kahabág-habág sa iyo ang taong magtiwalâ, kawâ-awâ ang Kapilipinuhan kung patatan~gay na lagî sa gaya n~g iyong masamang nasa, at kahapis-hapis ang isang bayang sipután n~g gaya mong taksil, kaya't isaulî mo n~gayon din ang m~ga nai-ambag ko; n~g kasalukuyang sinasalita ni Giday ang kakilakilabot na ugali ni Kadiliman ay sinasal n~g ubo't nan~gin~ginig ang boong katawan na animo'y isang nádakip sa pang-uumit n~g masarap na pagkain, at siyang dahil n~g ikinabulagta n~g ating Kadiliman.