United States or Gibraltar ? Vote for the TOP Country of the Week !


M~ga kasama: ang malakas na wika ni Mauro, ¡Tayo'y huminusay! Pumayapa tayo, at ang lahat ay pagusapan natin n~g boong kalamigang loob. ¡¡Welga!! ¡¡Welga!! ang ipinaghuhumiyaw din n~g marami. ¡¡Tayo'y magsiaklás...!! ang ulit n~g ilan. ¡¡Magsiaklás!! ang tugón n~g lahat. Ang lahat ay magagawa ang tugóng malakas din ni Mauro subali't, kailan~gan nating pagusapan muna ang m~ga paraang gagawin.

¡¡Ayaw kami!! ang sigawang napakalakás n~g lahat. Kung gayon anang pan~gulo pa rin ¿ano ang ibig ninyong gawin? ¡Magsiaklás!... Itó ang sagutan n~g lahat. At ang alin~gawn~gaw ay lumaganap na naman. Untiunting nagkakain~gay; at hanggang sa pagkailang sandali ay hindi na halos magkamayaw.

Kinakailan~gan natin ang lakas ... at upang ang lakas na ito'y tamuhin natin ay kailan~gang lubha ang pagiisá, pagka't tan~ging naririto ang ganáp na tagumpay. Sa ganito n~ga ¿ay ano ang ibig ninyong gawin? ¡¡Masiaklás...!! ¡¡Magsiaklas!! ang sigawan n~g lahat.

Upang kilalanin n~g Puhunan ang ating matwid, kayo rin ang nagsusumigaw n~gayon, na gamitin natin ang aklasan; kung gayon, ¡tayo'y magsiaklás...! Subali't sa paglalabanang kasusuun~gan natin ay kinakailan~gan, na n~gayon pa man ay humanda na tayo sa pagtitiis n~g hirap.

¿Anó po ang nangyari? ¿Anó po ang kinasapitan? ang sabáy-sabáy na tanun~gan n~g marami. Wala; ang m~ga mamumuhunan ay ayaw na duminig sa daing nating lahat; sila ay nagpapakatigás ... ang tugón din n~g pan~gulo. Kung gayon, tayo'y magsiaklás. ang sigaw n~g isang manggagawa. ¡¡Magsiaklás...!! ¡¡Magsiaklás ...!! ang ulit-ulit na sigawan n~g marami.