United States or Central African Republic ? Vote for the TOP Country of the Week !


Cayong man~ga ina naman, na may catungculang magturo sa anac nang man~ga daquilang catotohanang pahayag nang Santo Evangelio, dapat ang cayo,i, magsaquit tumupad nitong mabigat na catungculan na ipagsusulit sa Dios. Alalahanin na ang man~ga batang inyong anac ay caparis nang búcong na un~gós sa dulo nang halaman, cayo ang may alaga nang halamanan, ay catungculan ninyo ang mag-in~gat.

At ito rin ang dapat mong ipasunod sa iyong man~ga nasasacupan . Sapagca,t, doon pa sa man~ga librong hindi masama, at may pahintulot ang man~ga Puno sa paglimbag, ay marami rin ang di mo nararapat basahin, sapagca,t, marahil macasasama sa iyo; at caya ualang macapaghahatol sa iyo nang tapat gaya nang man~ga may catungculang magsaquit sa icagagaling nang iyong caloloua.

Ang panaho,i, nagtutuling caparis nang pan~ganorin; at ang macaraan ay di na mag sasauli, ang maualá sa matá ay di na moling maquiquita, caya catampatan ang magsamantalá, at na sa capanahonang magtipon. Magsáquit matutong maquipagcapoua tauo, at nang di maquimí sa guitna nang caramihan, at nang di ninyo icahiya ang di carunun~gan.

Cacain siyang parati nang dalandang hinog; lalacad siya arao-arao, ó sasacay sa cabayo; houag cumain siya nang marami cun gab-i. Cun babayi ang maysaquit, ay houag magsaquit humabi, ó manahi, ó magdugtong nang abaca, at totoong sama yaon. Houag namang cumain ang maysaquit nang isda, at masama sa ganitong saquit.