United States or Trinidad and Tobago ? Vote for the TOP Country of the Week !
Cun si Feliza, Amadeo, ay di macasunód sa iyo sa lahat nang bagay at may macaligtaan, ay magpáraya ca, ipahayag mo nang sabing banayad, houag gahasain, sapagca,t, ang isang babaye, ay uliran man nang cabaitan ay may pagcacaculan~gan din sa caniyang catungculan sa lalaqui, at palibhasa,i, ang babaye ay para rin nang lalaquing anac nang nagcamaling babaye.
Sa pagpapacial naman at may datnang lu~gar na paghin~galayan at ang man~ga binata,i, may casamang mahal na tauo, ó man~ga babaye, cun sacali,t, man~gagsisiloclóc, ay magparaya ang man~ga binata sa mahal na tauo, ó man~ga babaye cun sacali,t, ualang maraming bancó, ó man~ga taboreteng mauupan.
Cun ang pananalo,i, nagcacaalan~gan, na ang magcacalarô ay may cani-caniyang matouid na inihahanay, ay ipahahayág nang banayad, at houag sisigáo-sigáo ó magpapahalatá caya na ualang inin~gat na mahinhing loob. Ang pagcaisahang hatolan na dapat matalo sa inaacala mang siya,i, may matouid ay magparayá at ang isaloob, ay ang nagsihatol ay may bait na tauo,t, ualang quinacabig at ualang iniiring.
Salita Ng Araw