United States or China ? Vote for the TOP Country of the Week !
Saka, ng maitindig niya, ay kanyang pinagsalitaang: Ano, kapatid! Hala, gumalaw ka ng kaunti. Ikaw ay magpainit. Huwag na tayong magluwat dito. Tayo na. Nguni't ang lalaki ay nakatayo pa, di umiimik, malugod na minamasdan ni Semel; di makapagbigkas ng isa man lamang salita. Anong nangyayari sa iyo? Bakit di ka magsalita? Hindi maaaring magparaan tayo ng taginaw rito.
Sa cúlang pang labíng limáng áraw ay nanag-úlì sa canyá yaóng lubós na pagpapalagay n~g loob, yaóng catabiláng musmos na tila mandin nagulayláy sa guitnâ n~g makikipot na tahanang nalilibot n~g pader sa beaterio; masasabing kinikilala n~g paroparó ang lahat n~g m~ga bulaclac pagcaalís niya sa canyáng bahay-uod; nagcasiya sa canyá ang lumipád na sumandali at magpainit sa m~ga doradong sínag n~g áraw upang mawalâ ang catigasan n~g m~ga casucasuan n~g bágong nagcacapacpác.