United States or Laos ? Vote for the TOP Country of the Week !


Sagót ni doña María don Jua'i, bayaan mo na, at hindi mahihiya ca doon sa hari cong amá. Saan patutungo naman ang sa haring carunungan, na májica negra lamang ang caniyang tinatangnan. Ang sa cay doña María hauac ay májica blanca, ang dunong nang haring amá ay tinalo nga niya. Ang uica niya, at saysay icao ay magpahingalay, at malaquing iyong pagal sa layo mong pinagmulán.

Ano pa nga at nag-laban ang capua lacas, tapang, ang príncipe'i, di tamaán nang serpienteng tampalasan. Ang isang catacá-tacá sa tacsíl at palamara, ang úlo'i, cun mapútol na naniniquit na mulí pa. Nang maguing tatlóng oras na ang canilang pagbabaca, cay don Juan ay nagbadyá ang tacsíl at palamara. Quita ay magpahingaláy nitóng ating pag-lalaban, napa-ayon si don Juan sa serpienteng tampalasan.

Isinagót nang princesa casangcapa'i, aanhin pa, aco'i, siyang bahala na sa láhat nang utos niya. Matulog ca na don Juan na icao'i, magpahingaláy, sa umaga,i, maguiguisnán ang caniyang cahilingan. Ay ano'i, nang lumalim na ang gabi ay tahimic na, sa májicang salamangca ang castillo'i, guinauá na. Nang oras na yao'i, agád ang castillo'i, pinalacad, doon sa guitna nang dagat cataasa'i, sacdál taas.

Salita Ng Araw

nagpacahandusay

Ang iba ay Naghahanap