United States or Russia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Cun natatalo naman ay houag magpahalata nang calumbayan ó cagalitan at nang di mauicaan na masaquim sa salapî. Sa pagdampót nang salaping panalunan, ay houag limutin ang cabaitan. Ang paninin~gil nang pautang sa oras nang paglalarô, ay houag gagahasaan.

Cun di tinatanong nang maestro, ay houag sasagót, at cun matatanong ay tumindig muna, at sáca sumagót. Gayon din ang gagauin sa matandá ó guinoong causap. Pagbilinan mo, na huag magpahalata sa capoua escuela, na siya,i, nanaghili sa mariquit na gayac, carunun~gan cayamanan, camahalan nang capoua, bata, sapagca,t; maguiguing capintasan sa caniyang asal.

Cun ang dinadalao ay maquita na may gagauin, cacain ó aalis caya, ay houag aabalahin, at ang catampata,i, magpaalam. Cun sa iyo at ni Honesto ay may dumalao sa oras na di ninyo ibig, ó cayo caya,i, naaabala ay houag magpahalata na ibig na ninyong umalis ang panaohin at cun magpahalata man ay binian.

Cun icao Feliza,i, may ipagdadalamhati, ó iquinapopoot caya sa casama sa bahay, at may pumanhic na tauo,i, huag cang magpahalatá nang calumbayan ó cagalitan; tipirin ang loob, sapagca,t, sa man~ga desgracia ó basagulo sa bahay, ay isang cagamutan ang lihim. At cun may isang secreto ó lihim, ay pacain~gatan mo, na parang isang mahalagang hiyas.

Sapagca,t, totoong malaqui ang hiya cung caya aayao na magpahalata, at baca uicain nang masamang dila sila sa lalaqui,i, nagcacandarapa. Sa madlang paraan na sinabi co na cung baca sacali,t, di mo rin macuha, aco ay mayroon na ituturo pa, cagalin~gan nito,i, mahiguit sa una.