United States or Palau ? Vote for the TOP Country of the Week !
Cun lumalacad sa daan huag magnanasang mapuri nang lahat, sapagca,t, cun may isang pumuri ay sampuó ang pupúla. Huag isasaloob ang caniyang carunun~gan, camahalan, cagandahan at dalang cabutihan, ang alalahanin ay ang sarili niyang casiraan at dalang capintasan, at nang matutong magpacababa nang loob at asal, malayo ang capalaloan, at houag mamihasáng maghambog nang di tauaguing ulól.
Tayo naman ay magpacababá at umalinsunod sa calooban nang Dios, n~g paquinaban~gan natin magparating man saan sa Lan~git ang mahal na Pasion at pagcamatay ni Jesus. Sa capurihan nang sáquit at ligaya ni San Josef, niyang dalhin niya sa Egipto si Jesus at si María dahilan sa pag usig ni Herodes.
Houag acalaing icao,i, napupuri, ineng, cundi bagcus lalong naiimbi: mag-uariuari ca,t, ang lalong mabuti ay magpacababa ang isang babayi. Ang bibig touinang hindi natiticom ay nacacapara na sa asong tahol, caya catitiis, pagca,t, nauucol sa balat nang lupang bayan nang lingatong.