United States or Cocos Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !
¿Aling cabaitan ang hindi magmalio sa guitna nang gayong hirap at hilahil, n~guni,t, ang bayaning lubhang matiisin dusa ay hindi man lamang naidaing. Capag dinadatnan anomang balisa sa lan~git na lamang siya umaasa, sa sariling loob ay ang uica niya «Maguing bayad naua sa lahat cong sala.»
Sa lubhang mahinhing tacbo nang panahon Fidel sa asaua,i, nagcamit lingatong, pagca,t, nalasap din ang masidhing lason nang casamang asal na tinagong laon. Ang matimping loob nang masintang Fidel sa dahas nang dusa,i, munti nang magmalio: gaua nang asauang pagcamasumbatin naguiguing camandag tila sa panimdim.