United States or Nigeria ? Vote for the TOP Country of the Week !
At sa pagkainip ay iniisip niya kung saan sila lalong maluwag na magkakausap ni Elsa, kung gayong tila may kahirapan ang pagkikita nila sa sine.
Nagkasalubong sila, datapwa't parang walang ano man. Magkakausap ba sila ay kapwa matuling ang autong kinasasakyan? Ganyan ang nangyari kanikanina lamang na sila ay magkita sa masayang liwaliwan sa Luneta. Ah, kaya madalas ay nanginginip din siya! Iilan pa nga naman ang kanyang nagiging mga kakilala. Ang kanyang kabuhayan ay di nakatatamo ng dating ligaya paris ng nasa sariling bayan.