United States or Saint Kitts and Nevis ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ikalabing isang oras na n~g gabi. Mapamaya maya'y nanaog, lumakad at pagkatapat sa silid n~g isang bahay na malaki ay lumin~gon sa magkabikabilang panig at n~g walang matamulawang tawo ay tumin~gatin~gala at tumawag: ¡Anchang!....¡Anchang! ¡Anchang! ang mariin niang tawag na tumaos hangang sa puso n~g binibini, kaya't agad nagbalikuas ito't ipinuang n~g kaunti ang durun~gawan.
Datapwa, pagkapuna n~g mestisa sa, gayong paguulikulik n~g makata ay siya ang unang humudyat na magpakilala, saka pagkatapos ay ipinakilala rin kung sino ang kanyang kasama. Si Dioni iyan, ang sa paimpit na tinig ay ibinulong. Saka bumaling sa hipag at sinabi: Si Tirso ito.... Nagyao't dito muna ang tatlong magkakasama sa magkabikabilang panig n~g siyudad na pinanaganaan n~g liwanag.