United States or Tonga ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang dalawang ito samakatwid ang magpipisan. Ang dalawang ito na nagkakaisa ng tibukin ng puso ang magduduyan sa kaligayahan ng katamisan ng pagibig. Ang dalawang ito na naging mapalad ang pagiibigan ang siyang magkakasundo. Para kay mang Pepe ay isang lasong makamandag si Carmen sa kanya. Kaya't ngayon ay di na maghahabol. Pinabayaan na niya!
Sasama siya at hindi na siya ngayon tatangkilikin ng dating asawa. Teofilo ang wika agad ni Carmen pagdating sa tahanan ng binata hwag ka nang magdalang takot. Carmen, saan naroon si mang Pepe? baka ako ay kanyang patayin? Hindi, hwag ka nang pakikita sa kanya. Baka bagabagin ang ating kalagayan? Hwag kang manganib, hindi na siya maghahabol sa akin. Ako ay natatakot?
Salita Ng Araw