United States or Vietnam ? Vote for the TOP Country of the Week !


Anang iba ay dahil sa kapaniwalaan na kung mayaman ó may maraming baon ay sasalubun~ging mabuti saan man dumating; at sa ibang lupain ay inugali rin ito upang maibili, di umano, nang pagkain at kung sakaling magdadagat ay maibayad sa sasakyán at sa ganito ay ating nababasa ang pagtawa ni Luciano sa kanyang m~ga kalupain noong una, tungkol sa bangka at bayad ni Caronte na gaya rin n~g ginawa nina Hircano at Herodes sa libin~gan ni David.

Sa malaking bató sa m~ga pangpan~gin ay nan~gagpapasintabi rin: kaya't sa isang dako n~g pangpang sa Potal na nasa pulo n~g Panáy ay nan~gag-aalay ang m~ga magdadagat n~g pingan at bala na. Gayon din sa malalaking punong cahoy na ipinacatatan~gi rin ang baliti na di pinuputol at bagcus na ipinacacagalang.

Noon n~gang una na di pa lubhang kilala ang katalinuan sa pagdadagat at wala pang kagamitan, kungdi ang m~ga sasakyang may layag lamang ay madalas nangyayari sa m~ga magdadagat na kung totoong nan~gapapalaot sa dagat at inaabot n~g pagbabago n~g han~gin ay nan~gapapaligaw hangang sa másadsad sa ibang lupain, at man~gyare, kung hindi na man~gakabalik at kabubuhayan naman ang lupaing kinasadsaran ay natutuluyan n~g doon mamayan, ó kung sakali mang nan~gakabalik at sa ganang kanila ay lalong maginhawa ang lupaing kinasadsaran nila kay sa lupa nilang tinubuan ay nangyayari ring pinagbabalikan at nag-aanyaya pa n~g kanilang m~ga kamag-anak at kakilala.

Ang Diyos Bathala ring ito ay mayroong maraming Tagapan~gasiwa dito sa sandaigdigan na siyang nan~gan~gasiwa sa kanikanyang kinaroroonan. Ang m~ga ito'y ang m~ga pinan~gan~ganlang anito n~g m~ga Tagalog, na ang iba'y nan~gan~gansiwa sa m~ga magsasaka, ang iba'y sa m~ga magdadagat, ang iba'y sa m~ga mandidigma, ang iba'y sa m~ga sakit at ibp.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap