United States or Cambodia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Cun ang tauo,i, manlalansan~gan, ay bago manaog sa lupa, ay isaloob muna na siya,i, hamac na ood, anac sa casalanan, hilig sa camalian, caya magpacain~gat man, ay nagcacamali rin. Cahit ang cabaita,t, para nang cay David, cahit ang carunu~ga,i, para nang cay Salomon, cahit ang cayamana,i, para nang cay Asuero, ay magcacamali rin at capilitang mapipintasán din.
Ang totoong bilin co sa manga íniibig cong tagalog, ay houag baga basahin nila itong salitang ito, na palactao-lactao, na parang inuugali nilang basahin ang manga libro , at cung magcagayo,i, marahil magcacamali sila, palibhasa,i, ang lamang nitong salita,i, parang isang usap; caya cailangang paquingan ang magcabilang parte , at pagtimbang-timbangin ang canilang manga catouiran, nang macuha ang catotohanan.
Salita Ng Araw