United States or Finland ? Vote for the TOP Country of the Week !


Cun minsan ay sungmusunod yaong saquit sa bulutong at sa ticdas. Ang nagcacasaquit nang gayon ay hindi macatin~gin sa liuanag; ang mata ay masaquit na totoo at namumula; ang pulso ay madalas at matigas, at cun minsan nalalagnat ang may catauan. Ang maysaquit ilalagay sa husay nang maysaquit na magaling-galing nasa capítulo 5.

Houag siyang iinom nang maraming tubig, sapagca hindi lalacas ang caniyang sicmura, at cun minsan nacacapamaga sa paa yaong pag-inom nang marami; saca ang maysaquit na magaling-galing na, ay bagay sa caniya ang siya,i, lumacad na parati ó sumacay sa cabayo. Cacaonti lamang ang caniyang cacanin cun gab-i.

Ang boong catauan nang maysaquit ay mabuti doonan n~g damit na babad sa tubig na sinucaan; at cun baga ang saquit ay nadoroon sa ulo, ay houag basain nang suca, cundi nang alac sa misa na tinubigan. Pag nacaraan ang ilang arao, ay magaling purgahin ang maysaquit nang bilin sa número 11 ó 23, ó 32, ó 49. Cun minsan ang maysaquit ay magaling-galing sa man~ga unang arao nang masangrahan.

Ang saquit ay ungmaalis cun minsan sa loob at napapasalabas; cun gayo,i, magaling-galing ang pagcaramdam nang maysaquit. Datapoua cun sa utac, ó sa baga mapatun~go,i, mahirap at mapan~ganib ang may catauan. Ang pag-gamot sa nagcacasaquit nang gayón, ay para nang guinagaua sa pulmonía.

Cun ang saquit nang ictericia ay sungmusunod sa pagsintac sa atay, ó sa purga ó pasucang matapang ó sa paglon-oc nang lason, sa pamamanglao, ó sa tacot ó galit na malaqui, ó sa cólico bilioso párrafo 364, ang maysaquit ay ilagay sa husay nang maysaquit na magaling-galing na capítulo 5, at macaapat maghapon paiinumin nang bilin sa número 20. Susumpitin siya nang malimit nang bilin sa número 5.

Salita Ng Araw

nagpacahandusay

Ang iba ay Naghahanap