United States or Latvia ? Vote for the TOP Country of the Week !
At tuman~gis si parì Dámasong tulad sa isáng musmós. ¡Cung gayón, cung acó'y inyóng minámahal, huwag po sanang ipahamac ninyó acó magpacailán man; patáy na siyá, ibig cong mag-monja! Itinuon n~g matandâ ang noo sa canyáng camáy.
¡Mag-monja, mag-monja! ang inulit ulit. Hindi mo nalalaman, anác co, ang pamumuhay, ang talinghagang nagcúcubli sa loob n~g m~ga pader n~g convento, hindi mo nalalaman! Macalilibong iniibig cong mapanood cong icaw ay nagcacasákit sa mundo, cay sa makita co icaw na nacuculong sa convento. Sa mundo'y máririn~gig ang iyong m~ga daíng, doo'y wala cung di ang m~ga pader ... ¡Icaw ay magandá, totoong magandá, hindi ca sumilang sa maliwanag upang icaw ay másoc sa pag-momonja, upang maguing esposa ca ni Cristo! Maniwal