United States or Mauritius ? Vote for the TOP Country of the Week !


Di caya maalam si Próspero nang mag-araro , mag-alaga nang calabao, mañgahuy, at nang iba,t, iba pang tungcol sa inyong pagcabuhay, at nang ucol naman sa mañga catungculan nang tauong cristiano? Iyan póng lahat na iyan ay naalaman din ni Proper. Cung ganoon, ang uica nang Cura, cung ganoon; ano pa ang hinahabol mo, ó hinahanap mo cay Próspero?

Naito, , ang sulong na salita ni tandang Basio, naito, , ang pitong anac cong nabubuhay. Inyo, pong tingnan, at inyo pong sulitin, at sila,i, para-parang marurunong na magdasal, bumasa, sumulat at nang caunting cuenta pa; at bucod dito,i, sila pong lahat babayi at lalaqui, ay marurunong pang mag-araro, magtanim, umalit, mangahoy, manahi at mangosina.

¡Balio ca! ang sigao ni cabezang Dales, ¡baliu ca!, nang siya,i, mag-aral-aral sa Maynila nang iba,t ibang hindi mapag-aralan dito sa atin na para-para tayo,i, manga hañgal, na ualang naalamang iba cundi cumain at mag-araro. Maano , tatay, ay houag, , ninyong paluasin si Próspero. ¿At baquit?

Nang panahóng nacapangyayari ang Gobierno n~g España sa Filipinas, hindî ipinahihintulot na ang m~ga castilang lalaki't babae'y gumawâ n~g anó mang may cabígatán, gaya bagá n~g mag-araro, mag-asaról, mag-pahila n~g carretón, magpas-an, ang lalaki, at ang babae namá'y hindi namimilí n~g pagcain sa m~ga pamilihan, hindi naglulutò, hindi naglalácad n~g maláyò; inaacala n~g m~ga castilang isáng casiraan n~g caniláng puri cung mapanood n~g m~ga filipinong sila'y gumagawa n~g mabigat, at nakikigaya namán sa canilá ang m~ga lahing castil