United States or Grenada ? Vote for the TOP Country of the Week !
Dinaluhan ng mga tao, inayos ang bangkay, isinilid sa kabaong at ibinaon sa lupa. Ang mga kapitbahay ay mabubuting tao, nguni't ang mga sanggol ay naulila at walang mag-andukha. Ako nga ang tanging nag-alaga sa kanila; nagpapasuso ako ng aking panganay at ipinakisuso ko sila.
Ang kanyang asawa'y nanganak pagkaraan ng tatlong araw, na ang mga ito ang naging anak. Mga kaawa-awa at walang mag-andukha. Sa palibot ng kanilang higaan, ay walang hilot o alila; nanganak na mag-isa. Dinalaw ko kinaumagahan, ako'y pumasok at aking natagpuang patay na ang abang babae. Pagkamatay ay nadaganan ang munti at napilay ang paa nito.