United States or Iran ? Vote for the TOP Country of the Week !
Gayón n~gâ ang calagayan ni Capitang Tiago n~g panahóng iyón. Tungcól sa panahóng nacaraa'y siyá'y bugtóng na anác n~g isáng mag-aasucál sa Malabóng mayaman din namán ang pagcabuhay, n~guni't nápacaramot, na anó pa't hindî nagcagugol n~g isáng cuarta man lamang sa pagpapaaral sa canyáng anác, caya't naguíng alilâ si Santiaguillo n~g isang mabaít na dominico na pinagsicapang iturò ang lahát n~g maituturò at nalalaman niyá. N~g magtátamo na si Santiago n~g caligayaháng siyá'y tawaguing "lógico", sa macatuwíd bagá'y n~g siyá'y mag-aaral na n~g "Lógica", ang pagcamatáy n~g sa canyá'y nagtatangkilíc, na sinundán n~g pagcamatáy n~g canyáng amá, ang siyáng nagbigáy wacás n~g canyáng m~ga pag-aaral, at n~g magcágayo'y napilitang siyáng man~gasiw
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap