United States or Saint Helena, Ascension, and Tristan da Cunha ? Vote for the TOP Country of the Week !
Cung ipinamamanglaw n~g batang si Jose Rizal ang nakita niyáng pag-amis sa catwiran n~g canyang m~ga caláhì ay lalo n~g dinaramdam niyá, ang m~ga sabihanan n~g m~ga fraileng madalás niyang marinig sa Ateneo Municipal na di umano'y mataas ang caisipan n~g táong culay maputi cay sa táong culay caymanguí, madiláw, abóabó ó maitím, bagay na pinagpilitan niyáng siyasatin mulâ noon, cung totoo n~gâ, sapagca't inaacála niyáng lihís sa catowiran ang gayóng pagpapalagáy. Napagtalastas n~g madlâ ang ganitóng paghahacahác
Iniwagayway ang nacamtan sa pagtitiyaga sa Capuluang ito, n~guni agad hinarang n~g m~ga malicmatang mapagpahirap, sapagca't hindi maglalaon cung pababayaang magpapatuloy, at lilitaw ang itinatago-tago at kinikipkip na calayaan n~g Filipinas, gayon man, hindi tumudla n~g macamandag, at sucat n~g tinugon ang pan~gun~gusap nila n~g papaganito: «Na ang lahat n~g m~ga lahi n~g tao ay nagcacaiba iba lamang sa canilang m~ga anyo, n~guni alinsunod sa Psicologia, ang maputi, ang abo-abo, ang madilaw, ang cayumangui at ang maitim ay magcacaisa n~g caramdaman, nagcacawan~gis ang m~ga umu-udyoc na budhi at hilig na magpapatiboc n~g puso, ang pinagcacaibhan lamang ay ang paraan n~g pagsasaysay ó pag-gawa.»