United States or Sri Lanka ? Vote for the TOP Country of the Week !
Batíd ba ninyó ... na dito'y inyóng madadamá ... ang mga hulíng galáw ng ísip ... na dito'y inyóng madidiníg ang mga hulíng anás ng kálulwa ... ang mga hulíng tibók ng pusò ... ng isang sawîng palad na gaya ko? "Oo, sawíng pálad! Iyán ang dápat itáwag ... sa akin na mamámatay nang walâ man lang nagagawâ ... sa kanyáng Bayan!
Sa isang bahay na malaki na nasa kabilang daan n~g kinatatayuan n~g Bahay-Samahan ay maraming tawo at buhat sa malayo'y walang madidinig kundi ang m~ga tawanan at m~ga paputol putol na salitaan, lahat ay masaya at gayon na lamang ang m~ga pinagpala ni Bathala sa kalupaan palibhasay ang m~ga gayon nilang pagtitipon ay nahihiyasan n~g m~ga tuksuhan at biruan n~g m~ga magkakasama.
Máliban sa manakâ-nakâng táhulan ng mga áso, maliban sa mga idinahák-dahák at iniubó-ubó ng mga natutuyô, máliban sa huni ng sári-sáring ibong nagdapò sa mga púnong kahoy, maliban diya'y walâ ng ingay na madidinig. Lahát ay katahimíkan, dilím, kapanglawán.