United States or Norfolk Island ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ñguni't dí lubhang masisisi ang madapá sa sariling tanglaw, sapagka't marahil ang ilaw ay madilim, ó kayá ay totoong masamá ang daan. Ugaling panagot ng mga may ibig mang ulol, ay: palaló ang katiwalá sa sariling bait; sa akalá ko ay lalong palaló ang ibig sumupil ng bait ng iba, at papanatilihin sa lahat ang sarili.
¡Oh, m~ga magulang na silaw sa pilak na nan~gan~galakal n~g puri n~g anak, man~gagnilay sana, bago magsisubo sa guhit n~g palad at baka madapa sa gitna n~g landas!... ¡Oh, m~ga babaing masakim sa yaman pagibig at puri ay niyuyurakan, bumalikwas kayo't inyo nang baguhin ang kinahiligan upang makailag sa kasakunaan!...
Halimbawá baga ang isang amang nagbigay sa bawat isang anak ñg kanikanyang tanglaw sa paglakad sa dilim. Paniñgasin nila ang liwanag ñg ilaw, alagaang kusá at huag patain, dala ñg pag-asa sa ilaw ñg iba, kundí magtulongtulong magsangunian, sa paghanap ñg daan. Ulol na di hamak at masisisi ang madapá sa pagsunod sa ilaw ñg iba, at masasabi ng ama: "bakit kita binigyan ng sarili mong ilaw?"
Salita Ng Araw