United States or Cameroon ? Vote for the TOP Country of the Week !
Cun si Feliza, Amadeo, ay di macasunód sa iyo sa lahat nang bagay at may macaligtaan, ay magpáraya ca, ipahayag mo nang sabing banayad, houag gahasain, sapagca,t, ang isang babaye, ay uliran man nang cabaitan ay may pagcacaculan~gan din sa caniyang catungculan sa lalaqui, at palibhasa,i, ang babaye ay para rin nang lalaquing anac nang nagcamaling babaye.
Sinasabi ni Ibarra cay María Clara: Búcas, bago magbucáng liwayway, magáganap ang han~gád mo. Iháhandâ cong lahát n~gayóng gabí at n~g huwag magculang n~g anó man. Cung gayó'y susulat acó sa aking m~ga caibigang babae at n~g man~gagsiparito. ¡Gawín mo ang bagay na itó sa isang parang howag sanang macasunód ang cura! At ¿bakit? Sa pagca't tila mandin acó'y binábantayan niyá.
Cun maminsan minsan ay di macasunód sa cahin~gian mo, ay houag tampalasanin, houag pan~gusapan nang di catouiran, at nang di maquisama sa iyo, na parang natutuntóng sa dulo nang sibat. Cun si Amadeo, Feliza, ay patutun~go sa Simbahan, ó pasasa buquid caya,t, magsasaca, ay ihanda mo ang caniyang babaonin, nang macaquita nang loob sa iyo, at palibhasa nama,i, catungculan mo.