United States or Morocco ? Vote for the TOP Country of the Week !
¡Guinoo! ang isinamò n~g cúlang palad na babae! ang aking m~ga anac ay hindî nagnanacaw cahi't madayucdóc; bihasa caming magútom. Hindî nag-uuwî sa akin si Basilio cahi't isang cuarta; halughuguín ninyó ang boong bahay, at cung cayo'y macasumpong cahi't sisicapat man lamang, gawín ninyó sa amin ang bawa't maibigan. ¡Caming m~ga dukhâ ay hindî magnanacaw!
Ang paraang ito n~g pagsulat n~g m~ga tagarito ay agad napawì n~g masacop na n~g m~ga castila, at noong taong 1705, ani Padre Totanes, ay totoó n~g mahirap macasumpong n~g tagaritong nacasusulat n~g gayon; n~guni't ani Dr. Borrows ay gumagamit pa hangang n~gayon ang m~ga Tagbanua sa Paragua n~g gayong pagsulat.
Salamat sa hatol na ito'y nagdaláng táo si Doña Pía ... ¡ay! tulad sa mán~gin~gisdáng sinasabi ni Shakespeare sa Macbeth, na tumiguil n~g pag-aawít n~g siyá'y macasumpong n~g isáng cayamanan; pumanaw cay Doña Pia ang catowaan, namangláw n~g dî anó lamang at hindî na nakita nino mang n~gumitî. ¡Talagáng ganyán ang m~ga naglílihi ang sinasabi n~g lahát, sampô ni Capitang Tiago.