United States or Algeria ? Vote for the TOP Country of the Week !
Cun baga ang bulutong ay ungmuurong sa loob nang macasibol na, ay mahirap ang lagay nang maysaquit; caya ang gagauin doo,i, houag big-yan nang man~ga mainit, ó yaong man~ga bagay na ipapauis; painumin lamang nang marami nang turo sa número 12, at parapitan sa man~ga binti nang bilin sa número 36. Cun minsan ay umuuling sungmisibol ang man~ga bulutong, pag sinangrahan ang maysaquit.
Cun minsan, ang tiniticdas ay binabalin~goyn~goy, at nauauala tuloy ang saquit nang caniyang ulo, pati nang sa mata,t, lalamunan. Sa icatlo, ó icapat na arao nang macasibol ang toco, ay hindi na totoong mapula yaong man~ga pinacabutil, at nan~gatuyo-tuyo na, at nan~galalaglag na, pati nang balat nang catauan ay natutuyo rin, at nahuhulog, at iba ang hungmahalili doon.
Cun mayroong tila mancha sa balat ó cun sinisibulan nang man~ga tila butil. Anong color niyong man~ga pinacabutil, at cailan ang paglitao sa balat. Anong nararamdaman niya nang macasibol yaong man~ga butil na yaon. Cun mabaho ang catauan nang maysaquit. Cun mabaho ang hinin~ga. Cun dinaraanan nang desmayo.