United States or South Georgia and the South Sandwich Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ó pinagpalang Patriarca, malualhating San Josef, na pinayahagan n~g Dios nang man~ga misterios nang pagsacop sa tauo, na cun totoong nalumbay ang iyong pusó, niyong marinig mo ang hula ni Simeon, ucol sa mahal na Pasion at pagcamatay ni Jesús, at sa man~ga hapis na parang sundang, na macasasaquit sa pusó ni María, ay nagcamit ca naman n~g ligaya, niyong maalaman mo na marami ang magtatamó nang calualhatian sa Lan~git, dahilan sa pagcamatay at moling pagcabuhay ni Jesús.
Cayâ niyong si María ay pumaroon sa templo, nang maihain ang Niño Jesús, at maganap ang utos nang Ley ni Moises, ay lubhang nalunusan ang masintahing si Josef, sapagcat narinig doon ang sinabi nang Profeta Simeon, ucol sa madlang hirap at pagcamatay ni Jesús, at sa man~ga hapis na parang sundang na macasasaquit sa pusó nang Virgeng Ina.