United States or Guinea-Bissau ? Vote for the TOP Country of the Week !
Cun sa isang anac na dalaga, may manunuyo, ay matacot ang ina ò ama na sila ay paglingcoran nang baguntao, sapagca,t, cun magca gayon, ay macaquiquita nang daan na titira na tanghali ó sa gabi, sa man~ga oras na iyan ay ¿macailang cayang magtama nang mata, macailang magsasarilinan nang salitaan?
Isang gabi, ay tinucso co ang matanda, na ang uica co baga sa caniya: Cung cayo po,i, nag-aral sa Maynila nang caunti man lamang; cung cayo, po, anaquin, ay natuto nang uicang castila man lamang, ay segurong-segurong cayo,i, naguing directorcillo dito sa inyong bayan, at macaquiquita, po cayo sa Tribunal nang pagcabuhay ninyo na ualang malaquing capagurang paris ngayon, na cung ibig, po, ninyong cumita nang naipacacain sa inyong manga anac at asaua, ay cailangan, po, na cayo,i, magbangon nang maaga, at humauac nang calabao, at dumilig muna nang lupa nang inyong pauis, bago, po, cayo,i, macaquita nang maisusustento sa inyong familia.
Houag mong alalahanin, Basio, iyang manga bagay na iyan, sapagca,t, cung may aua ang Panginoon Dios ay macaquiquita ca rin nang pacacasalan, di man icao,i, lumigao.