United States or Kuwait ? Vote for the TOP Country of the Week !


Pinagmasdán ni Ibarra si Elías na nagtatacá, at n~g makita sa canyáng pagmumukhâ ang anyóng hindi nag aaglahî, canyáng nábitiwan ang bagay na hawac. Sunuguin ninyó ang lahát na macapapahamac sa inyó at sa loob n~g isang oras ay lumagáy cayó sa isáng lugar na lalong panatag. At ¿bakit?

Lumin~gap sa paliguid niyá si Ibarrang ang anyó'y natútulig. Cung gayó'y tulun~gan ninyó aco; diyán sa m~ga carpetang iyá'y may m~ga sulat acó n~g aking familia; piliin ninyó ang sa aking amá na siyáng macapapahamac sa akin marahil. Basahin po ninyó ang m~ga firma.

Nakita ni Elías ang m~ga papel at ang m~ga libró at ang m~ga suputang kinasisidlan n~g salapî at m~ga hiyas. Pinag ugnáy-ugnáy sa canyáng dilidili ang doo'y nangyari, at n~g mapagmasdan niyá ang gayóng caraming m~ga papel na macapapahamac, inacala niyáng iligpít, ihaguís sa bintan

Cailan ma'y hindi naguing carapatdapat macaakit sa canino man n~g pagpapalagay n~g loob ang marilim na pagmumukhâ n~g guinoong babaeng ito, cahi't cung siya'y nagpipinta, n~g canyáng mukhâ, n~guni siya'y totoong nacapagbigay balisa n~g umagang iyon, lalong lalo na n~g siya'y mapanood na magpabalicbalic n~g paglacad sa magcabicabilang dulo n~g bahay, na walang imic at wari mandi'y nagbabalacbalac n~g isang bagay na cagulatgulat ó macapapahamac: taglay n~g canyang panin~gin iyang sinag na ibinubuga n~g isang ahas pagca inaacmaang lusayin cung siya'y nahuhuli; ang panin~ging yao'y malamig, nagninining, tumataos at may cadulin~gasan, carumaldumal, malupit.