United States or Bangladesh ? Vote for the TOP Country of the Week !
Gayon ma'y di magagaui nang ualang pahintulot ang may capangyarihan ang ano mang hayag na pagbibigay puri sa isang religión. Ang sino ma'y macapipili at macapagaaral nang gauang lalo niyang minamabuting tunculin sa paghahanap-buhay. Ang sino mang mamamayan dito ay macapagtatayo at macapaglalagay nang bahay na talagang pagtuturuan ó pagaaralan ayon sa man~ga cautusan.
Gayon ma'y cun ang may ari ay ualang cáya at di macaquita n~g Abogadong magmacaalam ay macapaglalagay n~g m~ga tan~ging sugo na man~gatauan sa caniya, n~guni't ang m~ga sugong ito ay mapapara sa m~ga tunay na Abogado na bumabayad n~g ambagan dahil sa canilang katungculan.
Pinakikinaban~gan ang paglaguim, pagca alipin ang bayan, pagca walang m~ga yun~gib ang bundóc, pagca macapaglalagay ang nacapangyayari n~g isang bantay sa licuran n~g bawa't cahoy, at pagca sa catawan n~g alipin ay wala cung di sicmura at bituca; n~guni't pagca nararamdaman n~g wala n~g pagcasiyahan sa sama n~g loob na nakikihamoc upang siyá'y mabuhay, na ang bisig niya'y malacás, na tumitiboc ang canyang pusò at nag-aalab sa poot ang canyang cataohan, ¿mangyayari cayang mapugnaw ang sunog na canyang guinagatun~gan at n~g lalong magnin~gas?