United States or Saint Pierre and Miquelon ? Vote for the TOP Country of the Week !


At sa cailan pa ma'y hindi na macasasansala n~g iba pang catuiran at macagagaua n~g iba pang pagbago, liban sa nasabi na, at cun cahi ma't pairalin ang gaui n~g digma ay ang may m~ga capangyarihan sa sandatahan ay pilit yuyuco sa m~ga catuirang quiniquilala dito at di macagagamit n~g parusang di nabibilin sa utos. ICALAUANG CASAYSAYAN. Tungcol sa República nang Pilipinas.

Habang hindi siya humahalang ay di macagagamit n~g ano mang capangyarihan ucol sa caniyang sariling catungculan; n~guni't paghalang ay malilipat sa caniya ang boong capangyarihan n~g Presidente.

Macagagamit lamang n~g ambagang pailalim upang macupcup ang m~ga calacal nitong bayan ó di caya'y cun ang bigay na cabigatan ay may cauyang paquinabang, ó cun di ma'y upang mapiguil ang malabis na pagsusunodsunod sa catauan.

Ang sino mang mamamayan ay may catouirang: Macapagpahayag nang caniyang man~ga caisipa't inaacala, maguing sa bibig maguing sa sulat, at macagagamit nang limbagan ó nang iba pang ganitong paraan na hindi mapaquiquialaman at mababago nino man. Magcatipon n~g tahimic at hinusay. Man~gagsama at man~gaglamita sa anomang cabuhayan n~g tauo.

Hindi rin macagagamit noon ang sino mang tauong nabibilang sa m~ga sandatahan, cundi alinsunod sa ipinag-uutos sa caniyang casamahan at cung natutungcol dito. Ualang maca pag bibigay usap at macahahatol sa sino mang namamayan cundi ang Hucom ó Tribunal na may catampatan, alinsunod sa cautusang nan~gun~guna sa, pag gaua n~g casalanan at sa paraang nabibilin sa cautusang itó.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap