United States or Uruguay ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang catotohanan ay dating totoong nasususot acó sa m~ga fraile at sa m~ga guardia civil, dahil sa cagaspan~gán n~g caniláng m~ga asal, ang sabi n~g isáng matabáng guinoong babae; n~gunit n~gayóng nakikita co ang sa canila'y pinakikinabang at ang caniláng m~ga paglilingcod, hálos aking icagágalac na pacasál sa alín man sa canilá. Macabayan acó.

Nang mabalitaan n~g paham at macabayang si Guinoong Apolinario Mabini ang canyang pagdating dito, caracaraca'y nagsadyâ n~g gabí rin iyon sa tinatahanan ni G. Manuel Hidalgo, na asawa ni G. Saturnina Rizal, capatid na pan~ganay n~g Doctor Rizal, at namanhic na siya'y pakisamahan at ipakilala sa bayaning nagtatangol n~g m~ga catowiran at camahalan n~g m~ga filipino. Napahinuhod naman si G. Manuel Hidalgo, sinamahan niya si Mabini at ipinakilala cay Rizal. Pag-daca'y nag-irugán ang dalawang púsong capowâ bayani, ang dalawang maniningning na isip na capowa nahahandog sa maalab na pag lilincod sa Inang Bayan. Maraming totoo ang canilang pinag-usapang pawang nahihinguil sa adhìcang pagtubós sa Filipinas sa caalipinang kinagagapusan. Nang magpaalam si Mabini ay ito ang sinabi ni Rizal sa canya: "Sa sandalíng pag-uusap natin ay napagkikilala cong tunay po cayong macabayan, matalas ang caisipan at may púsong hindî marunong magulat sa bál

Niyayo'y buwan n~g Agosto n~g 1882. Nalilipos n~g laguím ang boong Maynila; cakilakilabot ang pagcacamatay n~g tao dahil sa sakit na "cólera". Casalucuyang inilalathalâ niyon ang "Diariong Tagalog"; dalawa caming mánunulat sa wícâ natin sa páhayagang iyon, ang tan~ging macabayan at cárilagdilagan filipinong si Gat Marcelo Hilario del Pilar Gatmaitan at acó. Datapuwa't ¡ay! n~g panahong iyo'y natatanicalaan ang calayaan n~g m~ga panitic, walang nasasaysay cung ang papaguingdapating itulot n~g macapangyarihang dito'y nagmamay-arí n~g buhay, dan~gal at pamumuhay n~g m~ga culang palad na filipino. Sa guitnâ n~g gayong cahapishapis na calagaya'y siyang pagdating sa amin n~g isang sulat na galing Barcelona, liham ni Rizal na may calakip na isang mababang casulatang wicang castil