United States or Central African Republic ? Vote for the TOP Country of the Week !
Feliza at Amadeo, tanto co ang inyong cabaitan, ang tacot sa Dios, at ang pagiibigan, na di pahihinuhod sa paglililo; gayon man, ay minatapát cong italá sa sulat, ang cabigatán nang casalanang ito, nang may pagcaaninauan ang macababasa. N~gayo,i, isusunod co ang inyong catungculang magpilit na cayo,i, magcasundô.
Sa pagca't hindî co iniuucol ang áking sinusulat sa m~ga taong nabubuhay n~gayón; sumusulat acó at n~g mabasa n~g m~ga taong ipan~gan~ganak pa sa m~ga panahong sasapit. Cung mababasa n~g m~ga tao n~gayon ang aking m~ga sinusulat ay canilang susunuguin ang aking m~ga aclat, na siyang pinagcagugulan co n~g pagal n~g boong aking búhay; datapuwa't hindi gayón ang gagawin n~g m~ga taong ipan~gan~ganak pang macababasa n~g aking m~ga sinusulat n~gayón; sa pagca't ang m~ga taong ipan~gan~ganak pang iyo'y pawang maguiguing m~ga pantas at mauunawâ nila ang aking m~ga adhicâ at canilang wiwikain: HINDI NATULUG NA LAHAT SA GABI N~G AMING M~GA NUNO! Ililigtas n~g talinghag