United States or Guam ? Vote for the TOP Country of the Week !


Siya ay matapat at sa mga noo niya ay mababakas ang pagkamatalino at mabait na tao. Siya ay matapat at di kakakitaan ng ugaling magaspang na ginagamit lamang ng mga diwang may masamang pagiimbot. Ang ugali niya ay hindi makapagbibigay suklam sa harap ng iba. Kaya minsang siya ay nagsadya sa tahanan ng kinatawang Velarde upang siya ay magaral ng mga lalong tumpak at wastong pangangatuwiran.

Sa paminsanminsa'y tapunan n~g titig ang isang makatang hibang sa pagibig, bago ka mahiga'y tumin~gin sa lan~git at mababakas mong ako'y umaawit. Huwág mong isiping kita'y linilimot, huwag mong asahang ang aking pag-irog ay wala't kupas na sa kimkim mong ganda, huwag, aking kasi. Walang pagkatapos ang tibok n~g pusong napabubusabos. Ikaw'y nagmalaki!

Kasalukuyan noong idinaraos ang masiglang sayawan sa maaliwalas na auditorium ng karnabal sa Maynila. Sa sayawang yaon ay waring walang mababakas na ano mang kalungkutan sa bawa't mga naroroong mga nagsisipagsayaw. Waring ang mga puso ay naghehele sa katamisan ng kaligayahan sa kandungan yaong naging isang langitlangitan dito sa lupa na puno ng maraming mga bituing nagkislapkislap.

At kung naroon si mang Alejandro ay walang salang naroon din si Leoning at si aling Rita. Di nga mangyayaring mawala. Noo'y naghahari ang gayon na lamang kasiglahan ng sayawan. Sa bawa't mukha ng mga panauhin ay walang ano mang kalungkutang mababakas. Lahat ay ngumingiti.

Tapunan n~g malas ang masayang araw na ako'y busabos niyang kagandahang pumukaw na muli sa aking kudyapi, doo'y mababakas ang isang larawang ako'y nakaluhod at nananambitan. Iyan ang larawan n~g isang makata na uhaw na uhaw sa kimkim mong awa, Iyan ang umawit sa lahat n~g sakit na taglay n~g pusong laging lumuluha at sabik na sabik sa iyong kalin~ga.