United States or Qatar ? Vote for the TOP Country of the Week !
Cun magcagayon na,i, di catulad co,i, isang marupóc na daong na inabót nang sigua sa guitna nang dagat, pinagtutulong-tulon~gang hampasin nang salu-salubong na han~gin, ibaba,t, itaas, nang matataas na daluyong; cahima,t, ang timon nang cabaitan ay di masisira, cun uala na ang pilotong macapagaalaga; ¿masasabi cayang macasasadsád sa guilid, macapan~gan~ganlong sa han~gin, at di mababagbág sa laot?
Cun icao, dalaga, ay sasagot sa aquin, na ang puso mo,i, gaui sa calinisan, dibdib mo,i, matibay na di mababagbág, ang isasagót co sa iyo,i, yaong dalauang hatol nang Dios Espíritu Santo, na ualang nagcandong nang apóy na hindi nasunog. Ang lumululong sa pan~ganib, ay sa pan~ganib din mapapahamac.
Ang puring inin~gat nang aquing pusong daong na marupóc, cun pagtulong-tulon~gang hampasin nang marahás na han~gin nang hibo,t, paraya, cahit anong bait, cahit anong hinhin, cahit anong ilag ang aquing gamitin, at ipagsangaláng cun mapag-isa na,t abotin nang hina, at aco,i, hapoin sa catiyagaan ¿masasabi co cayang dili mababagbág sa laot? ¿Di caya isang capan~gahasan, cun aquing uicain na ang capurihan co at calinisan, ay ma iin~gatan co rin sa calaguitnaan nang suson-susóng pan~ganib? isang capan~gahasan at isang caulolan.