United States or Vatican City ? Vote for the TOP Country of the Week !


Aco'i, iyong calarahin cay Jesús Anác mong guilio, magdalita't, patauarin sa manga gaua cong linsil. At doon sa oras naman cun aco ma'i, mama matáy, caloloua co'i, hugasan nang caniyang dugóng mahal, Ay anó'i, caguinsa-guinsa sa pananalangin niya, isang matanda'i, eto na at nag-uica capagdaca. Don Juan ay pagtiisan ang madla mong cahirapan, di na malalaong arao guinhaua'i, iyong cacamtan.

Ito'i, aquing pauaualán sa tubig nang caragatan, isilíd mong ulí naman sa frascong quinalalag-yan. Isa ma'i huag magculang sa negritong pauaualán, huag namang mapalita't, capalit ang iyong búhay. Pinaualán nanga rito labing dalauang negrito, at nag-uica nang ganitó ang haring si don Salermo. Sa umagang mag-almusál sa lamesa cong cacanan, maquiquitang ualang culang negritos cong pauaualán.

Uica nang principe at badya núno po ay maquinig ca, cun ito'i, ubusin co na munti ma'i, ualang itirá. Sagót nang matandá naman inomin mo na don Juan, cahit aco'i, maualá man huag icao ang magculang. Ininóm na ni don Juan tubig na camuc-ha'i, cristal, sa Dios na calooban hindi nagculang munti man.