United States or Tunisia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang cahalimbaua nang capatid mo, ay isang puno nang cahuy, ó isang macetas caya, na itinatanim sa masama,t, pacat na lupa, na diliguin mo ma,t, diliguin maya,t, maya, ay hindi lumalago, at di man nanariua, cundi bagcus nalalanta, at tila,i, naghihimatay, at camatayan ding ualang sala ang caniyang casasapitan, cundi mo isalin, ang naturang cahoy ó macetas , sa ibang matabang lupa, na cahiyang niya.

Ang buhay nang tauo dito sa ibabao nang lupa, ay palaguing paquiquipagbaca, caya ihandá ang sandata, houag pasuboc, iubos ang lacás, tapan~gan ang paquiquipag-laban, at catatag capag dating nang digmá. Ang demonio,i, cun tumucsò sa isang may loob sa Dios nang laban sa calinisan, ay di natin sucat na malirip. Palibhasa,i, diyan naquiquita ang carupucán natin, ay diyan ca naman pagpipilitang ihapay.

Ang uica ni San Ambrosio, ang cabooan ay napailandang sa himpapauid, naquiat sa alapaap, nag sumagui sa man~ga bitoin, naquiquiit sa man~ga Angeles, nag tuloy sa candun~gan nang Ama, hinan~go ang Verbo nang Dios, ipinanaog sa lupa,t, pinapag catauan tauo. Dito matantó nang man~ga magulang ang cataása,t, camahalan nang hiyas na pamuti nang anac nilang dalaga; Virgen ang Ina nang Dios.

Nguni't sinabi ko na: kailañgang isaalang-alang natin ang pangyayaring ang aklat na ito'y sinulat ng kumatha noong bago siya magtuñgo sa Estados Unidos at kaya lamang niya pinalabas ñgayon ay sapagka't siya'y napilitan. Gaya nang nasasabí na sa dakong unahan nito, ang layon ng sumulat sa aklat na itó'y dakila sa lalong dakila: itanim sa puso ng lahat ng Pilipino ang pag-ibig sa Tinubuang Lupa.

Hindi mo pansin na ako'y lalaki, hindi mo naisip na ikaw'y babae, paano'y talagang kung ikaw'y kumasi sa tapat na sinta'y nagpapakabuti. Gabing maliwanag at batbat n~g tala, maligayang Edeng bahay n~g biyaya, iyan ang larawang hindi magtitila n~g iyong pag-ibig sa balat n~g lupa.

Nag taás ang camáy, at nanga caamâ sa cato-ang gapá ang cucóng pangsirâ, nang daracmain na,i, siyang pagsagásâ niyaóng bagong Marteng lumitao sa lúpâ. Cong ipamilantíc ang canang pamatáy, at sacá isalág ang pang-adyáng camáy, malilicsing León ay nanga lilinláng cayâ nalao,i, nan~ga-gumong bangcay.

¿Cayo po ba'y si Elías? ang itinanong n~g canyang causap na taglay ang tan~ging pagpipitagan, at saca lumapit, at gayon ma'y patuloy rin ang paguumang sa canya n~g bun~gan~ga n~g revolver; cung gayo'y ... halícayo. Sumunód sa canyá si Elías. Pumasoc silá sa isáng anyóng yun~gib na palusóng sa cailaliman n~g lupa.

Anopa't sa aki'y naging malikmata ang buhay kong iyong binigyang biyaya, nalimot kong minsang ang tao sa lupa ay may kamataya't sariling tadhana. Ang sun~git n~g gabi, sa aki'y napawi at bagong umaga ang siyang naghari, ang damdam ko baga'y pawang nanaghili sa akin ang m~ga taong mapagsurí.

Matapos ito ay binibitiwan n~g isang matandang babae ang panyô niyang hawak sa kamay at dinadampot ang dahon n~g palma at kapwa humihihip n~g kanilang pakakak at sumasayaw na matagal sa palibot n~g isang baboy na nakahanda sa lupa. Ang isa'y nagsasaysay na marahan sa araw at ang isa naman ang sumasagot. Ano pa't ang araw at ang dalawang matandang babae ay parang may pagkakaunawaan.

At, palibhasa,i, ang panahon ay ualang catiguiltiguil sa caniyang paglacad, maigui man, ó masama man ang simoy nang hangin, ó ang singao nang lupa, ay dumating din ang oras , na tinutucoy co sa pagdalao sa aquing quinacaibigang matanda, at agadagad ay naparoon aco sa caniyang bahay.