United States or Kyrgyzstan ? Vote for the TOP Country of the Week !
Houag quibuin, hipui,t, tauaguin ang maysaquit, at masamang totoo sa caniya yaon. Pag yari na itong lahat, cun baga hindi nauulian; cundí lungmulubha ay uala nang magaua roon. Pagca gumaling na ang maysaquit, nacacaalam tauo na siya; datapoua cun minsan ang isang camay ó ang paa, ó ang cabiac na muc-ha ay ga namamatay, pati nang dila, na dahil doo,i, hindi mauauatasan ang caniyang uica.
Cun ang lagay nang maysaquit ay para nang sinabi co sa párrafo 25, yaong pagsasangrang yaon ay macacaguinhauang madali sa caniya; datapoua cun sa loob nang ilang oras ungmooli ang saquit, ay sasangrahang uli ang maysaquit, at cucunan nang timbang labing dalaua ring pisong dugo; ito,i, sucat na caalam-alam; datapoua cun baga sa loob nang sampuong oras ó calahating arao lungmulubha ay cunan pa mandin nang dugo.