United States or Botswana ? Vote for the TOP Country of the Week !


Tila nasisira-sira ang bait niya; hindi siya nauaual-ang parati nang lagnat; ang pulso,i, mahina,t, matigas; cun minsan sungmusuca siya, ó nagsisin-oc; parating ibig niyang manabi, at cun minsan hindi ungmiihi. Doon sa punong catauan niya mayroong lungmalabas na tubig na mabaho, mapulapula,t, mahapdi, itong ganitong lagay ay masama,t, mapan~ganib ang buhay nang babayi.

Cun hindi lungmalabas ang dating lungmalabas na dugo sa man~ga babaying nan~gan~ganac, na yao,i, nacacahila nang maraming saquit na malalaqui, para nang pamamaga nang tiyan; ang gagauin sa maysaquit ay yaon ding man~ga bilin sa párrafo 485, na sinundan nito. Ang man~ga mainit na gamot na sinabi co sa párrafo 480, ay totoong sama doon, at parang lason sa maysaquit.

Cun baga ang sugat ay nadoroon sa tiyan at hindi lungmalabas ang bituca ay gagamutin ang may catauan para nang turo sa capítulong ito; datapoua cun malalim ang sugat at ang bituca ay lungmalabas, uusisaing maigui cun nabutas ang bituca, at cun baga nabutas, na caya na-aalaman sapagca linalabasan nang dumi doon din sa butas, ay houag anomanahin cun munti ang sugat; datapoua cun malaqui, ay tatahiin nang sangpouong bilong abaca na pinagquitan nang houag lumabas ang dumi, at ang dulo nang itinahing abaca, ay pababayaang lumauit sa labas nang tiyan nang mahila cun malauon, at pagca siyang cusang sumunod sa camay nang humihila.

Cun namamaga n~ga yaong man~ga casangcapan nang pouit nang tauo, ang pan~galan sa pagcacasaquit nang gayon, ay quilmosin. Cun minsan naman mayroong lungmalabas na dugo na yao,i, touing bouan ó touing icatlong lingo; itong paglabas nang dugo doon ay magaling sa may catauan, at hindi sucat paual-in; sapagca hindi maca-aano sa caniya. Ang lalaqui marahil quilmosin sa babayi.

Cun mayroong tauo, na lungmalabas ang caniyang tumbong ó pouit, ay pinararapa muna at pinatataas ang pig-yi; saca ang mangagamot ay babasain nang lana ang caniyang man~ga daliri, at ang tumbong ay caniyang ipapasoc sa loob na marahan dahan; pagca napasaoli na sa loob, ay tapalan nang basahang babad sa tubig na pinaglagaan nang balat nang granada, ó duhat ó camachiles, bago talian nang isang tali na may apat na dulo.

Cun ang gayong saquit ay bigla,t, malaqui, cun ang pagca guinao ay malauon, at ang maysaquit ay totoong naiinitan pagca nacaraan ang guinao, cun ang ulo,i, nasisira pagcaraca, cun ang may saquit ay nag-iilaguin nang darag-is, ó pinapauisan nang marami; ó cun totoong tuyo ang balat, ó nag-iiba,t, sungmasama ang hichura nang muc-ha, at hindi dungmarahac, ó cun lungmulura, ay dugo lamang ang lungmalabas, ay nasasapan~ganib ang maysaquit.

Ang dugo naman nang tauo ay parati nang parating lungmalabas, at ga tinatapon nang puso nang malacas na pagca tapon, na pinaaabot hangan sa man~ga caduluduluhan nang catauan. Itong pagtulac ó pagtapon nang puso nang dugo hangan sa man~ga catapusan nang catauan ay yaon ang pulso, at ang nahihipo doon ay ang dugong nangagaling sa puso, na napapatun~go sa man~ga casangcapan nang catauan.

Mayroon namang iba, na malimit bumahing, at sa ilong may lungmalabas na catulad nang sa mata. Lungmalaqui tuloy ang init at ang lagnat; ang maysaquit ay nag-uubo; cun minsan ibig sumuca; sungmasaquit ang bay-auang; nag-iilaguin siya cun minsan nang malimit; ang ibang maysaquit ay pinapauisan; ang dila,i, maputi, at cun minsa,i, nauuhao ang may catauan.

Cun hindi rin pungmapasoc ang bituca, ay sumpitin nang malauon ang maysaquit nang usoc nang tabaco para nang turo sa párrafo 457, at siya ang lalong matapang na gamot doon. Ang gagauin sa lungmalabas ang tumbong, at sa babaying lungmalabas ang punong catauan.

Saca ipinapasoc sa loob ang bitucang lungmalabas; itong pagpasoc nang bituca cun minsa,i, ualang liuag; cun minsan ay hindi sungmusunod, cundi marunong humipo ang mangagamot sapagca cailan~gang iriin nang camay na catulong ang man~ga daliri, at pinipilit pumasoc sa loob ang man~ga bituca.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap