United States or Saint Lucia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Caya uala camunti mang inin~gat na puri. 3° Ang puri ay isang mahalagang hiyas, na iguinagayác nang tauo sa caniyang pan~galan. Caya may nagmamahal sa puri, na mahigit pa sa buhay, na sumasagasa sa lalong daquilang pan~ganib, lumululong sa camatayan, houag lamang mauala ang puri na iniin~gatan. Sumasalacay sa lalong maban~gis na caauay, houag lamang masira ang magandang pan~galan.
Cun icao, dalaga, ay sasagot sa aquin, na ang puso mo,i, gaui sa calinisan, dibdib mo,i, matibay na di mababagbág, ang isasagót co sa iyo,i, yaong dalauang hatol nang Dios Espíritu Santo, na ualang nagcandong nang apóy na hindi nasunog. Ang lumululong sa pan~ganib, ay sa pan~ganib din mapapahamac.