United States or Grenada ? Vote for the TOP Country of the Week !
Bakit pa lumaki't natutong human~ga't ang paghan~ga pala'y kapatid n~g luha? Puso ko'y malungkot! Malungkot na tila Ibong walang laya't lagas na sampaga, Sa pasan-pasan kong mabigat na sala'y Lason at patalim ang magpapabawa. Ang ayos n~g mundo ay isang kabaong, Nagtayong kalansay ang puno n~g kahoy, Dila n~g halimaw iyang m~ga dahon At sigaw n~g api ang in~gay n~g alon.