United States or Australia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Hindî sinásadya'y itinaás ni Sisa ang canyáng m~ga matá sa lan~git, at ang lan~git ay n~gumín~gitî n~g caayaayang caliwanagan; lumalan~go'y ang ilang maliliit at mapuputing alapaap sa nan~gan~ganinag na azúl. Humintò siyá upang piguilin ang pan~gan~gatal na lumalaganap sa canyáng boong katawán.

Dalidaling nilapitan n~g isáng castilang pintor ang bangcay ni Rizal at kinunan niya n~g larawan. Pagcatapos matugtog n~g música n~g m~ga voluntario ang "Marcha de Cádiz", ipinag-utos n~g Comandante Gómez na humanáy ang m~ga sundalo at man~gagdaang lahát sa tabí n~g bangcay ni Rizal, na nacatimbuang n~g patihayâ at lumálan~goy sa canyang sariling dugô.

Aking paraluman, hantun~gan n~g aking buong kabuhayan! kung hinihiling mo'y tulang tula lamang n~g upang ang dusa'y minsang mabawasan, naito't dinggin mo ang tula n~g buhay. "Halika! halika! Tangapin mo n~gayon ang tula n~g aking pusong lumalan~goy; basahing madali't dingging mahinahon ang hibik n~g bawa't talatang nanaghoy, ang awit n~g palad, ang sigaw, ang tutol. "Oh! pusong maramot!

Idalán~gin mo rin ang kinapós pálad Na nan~gamatáy na't yaóng nan~gaghírap Sa daming pasakit, at ang lumálan~gap Naming m~ga iná n~g luhang masacláp. Iyong idalán~gin ang bao't ulíla, Ang nan~gapipiit na pinagdurusa; Iyong idalán~ging icaw'y matubós na Sa pagca alíping láong binabata.