United States or Turks and Caicos Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !
¡Guinoong babae! anang alférez na nagninin~gas n~g galit; ¡magpasalamat cayo at nadidilidili cong cayo'y babae, sa pagca't cung hindi lulusayin co cayo sa casisicad, pati n~g inyóng m~ga kinuculot na buhóc at n~g inyóng m~ga walang capacanang m~ga cintas! ¡Gui ... guinoong alférez! ¡Lumacad cayó, mamamatay n~g táong waláng sakit! ¡Cayo'y walang suot na salawál, Juan Lanas!
¿Anó? ¿inaacala po ba ninyóng mapapatay acó niyáng taotaohang pipitong buwan pa lamang n~g ipan~ganac? ¡Lúlusayin co siyá sa isáng sicad lamang! Umudlót si pari Salvi at hindi kinucusa'y itinun~gó ang panin~gín sa paá n~g alférez. ¿At sino po ba ang inyóng sinasabi? ang itinanóng na nan~gán~gatal