United States or Suriname ? Vote for the TOP Country of the Week !


36. =Ano ang ginawa n~g m~ga "mason" kay Bonifacio at sa "Katipunan"?= Dapat munang sabihin na si Bonifacio ay "masón" din. Siya'y "segundo vigilante" sa "Logia Taliba," na ang "Venerable," ay ang binaril n~g m~ga kastilang si Luis Encino Villareal at ilan sa kasamahan ni Bonifacio sa "Katipunan" ay m~ga kamukha rin niyang "masón."

Nang lumalaganap na ang "Katipunan" ang m~ga "mason" at ang kanilang m~ga "logia," ay paraparang nagsikilos upang sugpuin ang paglago n~g "Katipunan" at ang mabalasik na pagpapalaganap ni Andrés Bonifacio, di sa dahilang sila'y kampi sa pamahalaang kastila at sa m~ga "fraile," kundi sapagka't kailan man ang m~ga "masón," ay "ayaw ipaghiganti sa pagbubuhos n~g dugo ang m~ga kaapihang tinatamó."

Ito'y nalalaman n~g pamahalaang kastila at lalong natataho n~g m~ga "cura" sa bayan-bayan, pagka't sa bayang pinamumugaran n~g isang "logia" o n~g m~ga "mason," ang "cura" at ang m~ga kastila ay di lubhang nakapamayani sa kanilang m~ga masasamang gawa, sapagka't nahahadlan~gan sila n~g pagkakaisa n~g m~ga taong bayan sa pagtutol laban sa m~ga masasama nilang palakad.

Isáng araw ay ipinatawag si Bonifacio n~g m~ga namumuno sa kanyang "logia" at, siya'y hinihikayat na itigil ang "Katipunan," pagka't ang katwiran n~g m~ga humihikayat sa kanya'y ang kawalan n~g m~ga baril, kanyon, sandata at salapi na totoong kinakailan~gan sa paghihimagaik na gagawin n~g "Katipunan," na kung mapipilan ay siyang lalong kasawian n~g bayang pilipino.

Ang m~ga "convento" ay nagsikilos, ang m~ga pinunong kastila ay paraparang nagsusumikap sa pagbibintang na ang m~ga "logia," ay walang linalayon kundi ang paghiwalay n~g Pilipinas sa España. Ang bun~ga n~g lahat n~g ito ay ang pagsisiyasat sa m~ga bahay bahay n~g m~ga mason, ang pagpapabilanggo, pagpapatapon sa malalayong bayan sa m~ga magiting na kampon n~g "Masonería."

Nagtayô n~g m~ga panahong iyon n~g isang "logia" n~g m~ga filipino, na pinamagatang Solidaridad , at mulâ noo'y sumilang ang adhicang palaganapin sa m~ga filipino ang masonería.

Salita Ng Araw

mapisan

Ang iba ay Naghahanap