United States or Chad ? Vote for the TOP Country of the Week !
Bucod doon sa man~ga bucol na sinabi co sa man~ga párrafong natalicdan, ay mayroong isa pang bagay na hindi matigas para nang man~ga bicat, at hindi rin masaquit, na ang pan~galan nang castila doo,i, lobanillos. Nagsisisibol sa ulo, sa man~ga camay, sa tuhod, at sa ibang man~ga lugar nang catauan. Ang gamot dito,i, gayon: ang isang malapad na tinga ay itapal doon nang mahabang panahon.
Mayroong isa pang pamamaga nang liig sa taguiliran, na ang tauag doo,i, bayiqui; ang gamot doo,i, naituro co na sa párrafo 78. Ang gamot sa man~ga bucol na malambot na hindi masaquit, na tinuturang lobanillos nang castila.