United States or Monaco ? Vote for the TOP Country of the Week !


Caya n~ga ualang maimatouid ang maraming bumabasa nang man~ga librong limbag ma,t, sulat camay, gaya nang man~ga cay =Rizal=, na ang itinututol nila,i, di pa =ipinagbaual=; sapagca,t, cun di pa tan~ging ipinagbaual, ay =baual= na talaga, ayon sa man~ga cautusang sinasaysay na; at bucod pa sa rito,i, capag naquiquitang may lason nang man~ga erejía at man~ga lisiyang aral ay ipinagbabaual nang catutubo nating bait, na nagpapaquilala sa ating yao,i, utos nang Dios.

Tanto cong magaling na yaong ibang libro,i, di nagcacailan~gan nang pahintulot, at nang mailimbag; at mababasa n~ga cahit uala ang gayong pahintulot; datapoua,t, sang-ano man ang pag-iin~gat tungcol dito,i, alan~gan pa; sapagca,t, sa casamaang nang man~ga panahong quinalalag-yan natin ay pati sa man~ga librong di nagcacailan~gan nang pahintulot, cun magcabihira,i, iguiniguiit din ang man~ga erejía at man~ga lisiyang aral: caya n~ga cailan~gan din sumigao na ualang tugot: ¡Cain~gat cayo sa man~ga masasamang libro,t, casulatan!

Ualang imic-imic, at di nan~gadaramdaman ay unti-unting binabagbag ang puso, inililigao ang lalong matalinong isip, sinisira ang lalong maayos na cabaitan, hinihila ang calooban sa man~ga lisiyang asal, pinupucao ang man~ga mahahalay na pita, pinapaniniig sa maruruming gaua at malibughaang casalanan». ¿Ano caya ang dahil na yaong binatang dating mabait at masunurin sa magulang ay n~gayo,i, naguíng mapagyabang at ualang cahihiyan?