United States or Lithuania ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ipinalálagay n~g m~ga táong may culay, na sila'y ucol sa m~ga dapat uyatín at pawaláng halagá, baga ma't sila'y m~ga táong mahal na lubós, palibhasa'y isáng sacsìng nagpapatotoo n~g canilang pinangalin~gan ang canilang pagmumukhâ, at ang bágay na ito'y siyáng sa canila'y nacapagbíbigay n~g cakimian, dahil sa talastás niláng sa canila'y pagpapawaláng halagá n~g m~ga taga Europa: masamâ ang pagtin~gîn n~g m~ga europeo sa m~ga tagalog; anó máng waláng cabuluháng pagcacamalî nitó, na mangyayáring gawín din namán n~g cahi't dalisay mang lahî n~g isáng tubò sa Montmorency, ay linílibac n~g m~ga europeo, at isinisiwalat nila sa pananalitáng: "¡anó n~ bagá ang maaasahang gawíng mahusay n~g isáng taong may cúlay!"

Sa m~ga libritong Caiigat cayo'y ipinakikilala ang m~ga malulupit at m~ga cahalayhalay na asal n~g m~ga fraile at ang canilang m~ga pagdaraya sa m~ga filipino, at bucod sa rito'y linilibac ang m~ga maling aral, ang m~ga licong itinuturo, at ang m~ga cung sana catampalasana'y catawatawang m~ga aral n~g Iglesia Católica Apostólica Romana, at ang m~ga libritong yaon ang caunaunahang limbag na sa wicang tagalog ay nag-alís n~g piríng n~g m~ga nalalabuang isip n~g tagarito.

¡Tingnan natin! ¡tingnan natin cung macapan~gan~gahas ca! ang sinabi sa canya n~g babaeng nagtátawa't siya'y linilibac; ¡ang lulusay sa aki'y isang malaking totoo ang cahigtan n~g pagcalalaki sa iyo! Narinig n~g alférez: ang gayong alimura, n~guni't namasdan niya ang látigo.