United States or Saint Pierre and Miquelon ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang mabining lacad na bucál sa iyo,t, di pinagaralan; ang mahinhing titig nang matá mo na di nag papalibot libot, at ang tinapunan ay ang linacarang lupa, cun maalaala co na dahilan dito,i, iguinagalang nang man~ga batang lalaqui,t, di ca mahaguisan nang masamáng aglahí ay namamanghá aco, at naipag hahalimbaua quita sa reina nang man~ga bulaclac, na pinaggugulan nang dunong nang naturaleza, na biniguian nang caaya-ayang culay, cauili-uiling ban~gó,t, naca bibihag na diquit; n~guni cun paugahasáng salan~gin nang salan~gapang na camáy, ay capilitang magdurusa, sa pagca,t, ipinagtatangól nang tinic.